^

Bansa

Ping nagtatago na,di pahuhuli ng buhay

-
Nagtatago na umano si Senador Panfilo Lacson at hindi ito pahuhuli ng buhay sa mga alagad ng batas!

Ito ang tinuran ng isang source mula sa kampo ni Sen. Lacson na humiling na huwag banggitin ang pangalan kasunod ng ulat na magpapalabas na ng arrest warrant laban sa senador sa darating na Lunes.

Ayon sa source, may plano umano si Lacson na takbuhan ang kanyang kinakaharap na multiple murder case dahil isa itong non-bailable na kaso at kamatayan ang pinakamabigat na kaparusahan.

Sinabi ng source, malamang gayahin ng senador ang istilo ng mga bataan nitong sina Cesar Mancao at Michael Ray Aquino na mga suspek naman sa pagpatay kay PR man Bubby Dacer at sa driver nitong si Emmanuel Corbito na mabilis na tumakas papuntang Canada matapos ma-implicate sa nasabing krimen.

Bunsod ng ulat na ito kaya pinamamadali na ng Department of Justice (DOJ) ang pagpapalabas ng arrest warrant laban kay Lacson bago pa ito tuluyang makapagtago.

Ayon kay DOJ Chief State Prosecutor Jovencito Zuño, pinal na ang ipinalabas na desisyon ng Supreme Court noong Oct. 7 kaya wala ng dahilan pa upang maantala ang pag-aresto sa naturang senador.

Nilinaw ni Zuño na nakasaad sa batas ang madaliang pag-iisyu ng arrest warrant laban sa isang akusado kung mayroon ng ibinabang desisyon ang SC hinggil sa usapin ng isang kaso.

Aniya, hindi dapat na magkaroon ng ibang agenda si Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 81 Judge Teresa Yadao dahil makapagpapatagal pa ito sa kaso.

Magugunita na inaresto noong Mayo 17, 1995 ang 11 miyembro ng Kuratong Baleleng, isang grupo ng robbery/holdup at kidnap-for-ransom syndicate, sa isang raid sa Parañaque. Kinabukasan, Mayo 18, 1995, idineklarang napatay ang 11 sa isang shootout sa Commonwealth, Quezon City at nagpalabas ng report ang PNP na shootout ang nangyari ngunit taliwas ito sa mga kuwento ng mga saksi na rubout ang pagpatay sa 11.

Kamakailan ay nagdesisyon ang Korte Suprema na muling buksan ang kaso at inutusan ang QC court na ire-raffle ito kung saan napunta sa sala ni Judge Yadao. (Ulat nina Rudy Andal at Grace dela Cruz)

AYON

BUBBY DACER

CESAR MANCAO

CHIEF STATE PROSECUTOR JOVENCITO ZU

DEPARTMENT OF JUSTICE

EMMANUEL CORBITO

JUDGE TERESA YADAO

JUDGE YADAO

LACSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with