^

Bansa

Kuratong case bumalik kay Judge Yadao

-
Muling napunta kay Quezon City Regional Trial Court Branch 81 Judge Teresita Yadao ang Kuratong Baleleng rubout case matapos ire-raffle ang kaso kahapon.

Dalawang heinous crimes ang pinagpilian na hahawak sa kaso, ang Branch 81 ni Judge Yadao at Branch 76 ni Judge Monina Zenarosa.

Ikinatuwa naman ng kampo ni Sen. Panfilo Lacson na napunta rin sa sala ni Yadao ang kaso.

Si Judge Yadao ang huwes na hiniling ng kampo ni Lacson na humawak ng kaso ng senador bago pa ginawa ang pagre-raffle.

Si Yadao ang nagdismis sa kasong Kuratong noong 1995 dahil sa umano’y kakulangan ng ebidensiya na magdidiin kay Lacson at sa iba pang akusado.

Pikit-mata namang tinanggap ng Department of Justice (DOJ) ang resulta ng re-raffle sa paghawak ng kaso ng Kuratong Baleleng ng muli itong mapunta kay Yadao.

Ayon kay Chief State Prosecutor Jovencito Zuño, wala naman umanong problema kung saan sala mapunta ang kaso basta’t maging patas ang nasabing pagdinig.

Nangako si Zuño na sisikapin na lamang nilang gawin ang buong makakaya upang igiit ang panig ng prosekusyon at mapanagot ang mga responsable sa pagpatay sa mga biktima.

Una nang tinanggihan ni Yadao na hawakan muli ang kaso.

Gayunman, hinihintay na lamang ng marami na magsampa ng motion to inhibit si Yadao sa naturang kaso kung talagang ayaw niyang hawakan muli ang Kuratong case.

May 10 araw na taning si Yadao para mag-isyu ng warrant of arrest.

Siniguro naman ng kampo ng senador na hindi magtatago si Lacson kahit maglabas ang hukuman ng arrest warrant.(Ulat nina Gemma Amargo at Angie dela Cruz)

CHIEF STATE PROSECUTOR JOVENCITO ZU

DEPARTMENT OF JUSTICE

GEMMA AMARGO

JUDGE MONINA ZENAROSA

JUDGE TERESITA YADAO

JUDGE YADAO

KASO

KURATONG BALELENG

LACSON

YADAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with