Sa isang resolusyon na nilagdaan ng 48 solons, sinabi ng mga ito na malawak ang karanasan ni Sen. Barbers bilang public servant dahil 40 taon na itong naglilingkod sa gobyerno.
Bilang miyembro ng Senado, nagpakita rin anila si Barbers ng dedikasyon at nakapagpasa ito ng mga panukalang batas na makakatulong sa mga mamamayan.
Ayon pa sa mga mambabatas, nakilala din si Barbers sa mahigpit nitong kampanya laban sa droga at nanungkulan bilang kalihim ng DILG at naging congressman ng Surigao del Norte.
Ang resolusyon ay ipadadala ng mga mambabatas sa Malacañang upang ikonsidera ni Pangulong Arroyo. (Ulat ni Malou Rongalerios)