^

Bansa

Barbers inendorso ng 48 solons bilang VP ni GMA sa 2004

-
Lumakas ang posibilidad na si Senador Robert Barbers ang maging running mate ni Pangulong Arroyo sa 2004 matapos itong iendorso kahapon ng 48 mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Sa isang resolusyon na nilagdaan ng 48 solons, sinabi ng mga ito na malawak ang karanasan ni Sen. Barbers bilang public servant dahil 40 taon na itong naglilingkod sa gobyerno.

Bilang miyembro ng Senado, nagpakita rin anila si Barbers ng dedikasyon at nakapagpasa ito ng mga panukalang batas na makakatulong sa mga mamamayan.

Ayon pa sa mga mambabatas, nakilala din si Barbers sa mahigpit nitong kampanya laban sa droga at nanungkulan bilang kalihim ng DILG at naging congressman ng Surigao del Norte.

Ang resolusyon ay ipadadala ng mga mambabatas sa Malacañang upang ikonsidera ni Pangulong Arroyo. (Ulat ni Malou Rongalerios)

AYON

BILANG

KONGRESO

LUMAKAS

MABABANG KAPULUNGAN

MALACA

MALOU RONGALERIOS

NORTE

PANGULONG ARROYO

SENADOR ROBERT BARBERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with