Ginawa ni Esperanza Ocampo, pangulo ng PGEA na binubuo ng 112 govt unions, ang panawagan makaraang ituloy pa rin kahapon ng Courage ang kilos protesta para patalsikin sa puwesto si GSIS president Winston Garcia.
Ayon kay Ocampo, ang pagpapatalsik sa puwesto kay Garcia ay hindi makakaresolba sa kinakaharap na problema ng mga empleyado ng gobyerno.
Umapela ang PGEA sa mga lider at miyembro ng Courage na sa halip magsagawa ng rally ay makipag-usap ang mga ito upang sama-sama nilang hanapan ng solusyon ang kasalukuyang problema sa mabagal na pagproseso ng loans sa GSIS. (Ulat ni Rudy Andal)