^

Bansa

Parusa sa perjury bibigatan

-
Isinulong kahapon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagpapataw ng mas mabigat na parusa sa mga tinatawag na whistle blower katulad nina Ador Mawanay at Eugenio Mahusay na matapos gawin ang pagbubunyag ay babawiin ang kanilang testimonya at affidavits.

Nais nina Reps. Ted Failon (Leyte), Teodoro Locsin (Makati City) at Ronaldo Zamora (San Juan) na amyendahan ang batas kaugnay sa perjury upang mas mabigat ang parusang matanggap ng mga whistle blower na bumabawi sa kanilang testimonya.

Inihalimbawa ng mga ito ang kaso nina Mawanay at Mahusay na naglagay sa alanganin o sumira sa reputasyon ng ilang personalidad.

Bukod dito, nasayang din ang oras at pondo ng gobyerno na ginugol upang imbestigahan ang mga "pagbubunyag" ng mga ito kontra sa mga kilalang tao.

Matatandaang nauna nang inakusahan ni Mawanay si Senador Panfilo Lacson na sangkot sa drug trafficking pero binawi nito ang pahayag sa kadahilanang pinuwersa umano ito ng kalaban sa pulitika ng senador.

Inakusahan naman ni Mahusay si First Gentleman Mike Arroyo ng money laundering ngunit binawi niya rin ito. Ginawa lamang anya niya ang akusasyon upang gumanti sa kanyang Ninong Mike.

Sa ilalim ng HB 6463, gagawing prison mayor (6 years to 10 years) na pagkabilanggo sa mga taong nagkasala sa kasong perjury. Ang dating parusa dito ay arresto mayor lamang o pagkabilanggo ng mula apat na buwan hanggang 2 taon. (Ulat ni Malou Rongalerios)

ADOR MAWANAY

EUGENIO MAHUSAY

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

MABABANG KAPULUNGAN

MAHUSAY

MAKATI CITY

MALOU RONGALERIOS

MAWANAY

NINONG MIKE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with