Chapter 3 ni Ping inatras
October 7, 2003 | 12:00am
Iniatras kahapon ni Sen. Panfilo Lacson ang chapter 3 ng kanyang "Incredible Hulk" expose kaugnay sa umanoy money laundering activity ni First Gentleman Mike Arroyo sa pamamagitan ng Jose Pidal accounts.
Sinabi ni Sen. Lacson, ipinasya niyang huwag munang ilabas ang chapter 3 ng kanyang expose kahapon habang hindi pa nagtatakda ng araw si Sen. Joker Arroyo, chairman ng senate blue ribbon committee ng susunod na hearing ukol sa Jose Pidal scandal.
Ayon kay Lacson, kapag nagtakda ng araw ng susunod na hearing ang blue ribbon para ituloy ang Pidal investigation ay saka lamang niya ihahayag ang chapter 3 ng kanyang expose.
Aniya, hindi din nangangahulugan na umatras siya sa pagbubunyag ng kanyang expose dahil sa wala siyang pinanghahawakang ebidensiya para patunayan ang money laundering activitiy ni Mr. Arroyo.
Samantala, hinamon naman ng Filipino Lawyers for Good Governance (FILGOOD) ang liderato ng Senado na simulan na ang imbestigasyon kay Lacson kapag nabigo pa rin itong maglabas ng ebidensiya kaugnay sa ginawa nitong paratang sa Unang Ginoo.
Sinabi ni Atty. Ricardo Abcede, pangulo ng FILGOOD, bago muli payagan si Lacson na gamitin ang kanyang parliamentary immunity para sa chapter 3 ng kanyang expose ay dapat obligahin muna ito ng Senado na maglabas ng ebidensiya para sa dalawang nauna niyang expose.
Ani Atty. Abcede, kapag patuloy na nabigo si Lacson na patunayan ang kanyang akusasyon ay dapat lamang simulan na ng senate ethics committee ang pag-iimbestiga dito para disiplinahin ang isang mambabatas na umaabuso sa kanyang kapangyarihan para wasakin ang imahe ng isang indibidwal.
Puwede anyang gamitin ng Senado ang kapangyarihan nito para parusahan ang sinumang miyembro na mapapatunayang umabuso sa paggamit ng kanyang parliamentary immunity para lamang sa kanyang paghihiganti at personal na interes tulad ng naging desisyon ng Korte Suprema noong 1960 sa kasong Osmeña vs Pendatu kung saan pinagtibay ng SC ang kapangyarihan ng Kongreso na patawan ng parusa ang kasapi nito matapos mabigong suportahan ang ginawang paratang. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended