^

Bansa

Mga hukuman naparalisa

-
Paralisado ang pag-inog ng hustisya kahapon matapos ituloy ang bantang mass leave ng mga empleyado ng korte sa buong bansa.

Sa pahayag ng Philippine Confederation of Court Employees Association (PHILCONCEA), hindi lang dapat ang mga sundalo ang binibigyang pansin ng gobyerno dahil may karapatan din silang mag-aklas kung patuloy na babalewalain ng gobyerno ang kanilang karaingan.

Ayon sa tagapagsalita ng grupo na si Manila Regional Trial Court Judge Antonio Eugenio, ilang ulit na nilang hinihingi sa gobyerno na bigyan ng mas mataas na allocation budget ang sangay ng hudikatura dahil marami ng nagsialis na mga empleyado, abogado at hukom bunga ng sobrang liit ng pinasusuweldo ng gobyerno.

Sa taong ito ay 0.9 percent lamang ang ibinibigay na budget para sa hudikatura, P7.8B mula sa P865-B national budget.

Bunga ng sobrang liit ng budget ay hindi na umano natutugunan ang mga pangangailangan ng hudikatura tulad ng pagkakaroon ng maayos na salas at opisina.

Dahil din sa kakulangan ng pasilidad, empleyado at hukom ay napagkakaitan ang halos 30 milyong Filipino ng mabilis na pagkakaroon ng hustisya.

"Biruin ninyo, sa dami ng kaso sa bansa, sa isang judge tatlong sala ang dapat hawakan, sa isang sala ilang kaso ang hawak, paano mapapabilis ang gulong ng hustisya?" ani Eugenio.

Binigyang-diin pa ng grupo na hindi lamang ang mga sundalo tulad ng grupong Magdalo ang dapat na pakinggan at ibigay ang pangangailangan kundi maging ang hudikatura na mayroong sensitibong trabaho gaya ng una. (Ulat ni Grace dela Cruz)

AYON

BINIGYANG

BIRUIN

BUNGA

CRUZ

DAHIL

EUGENIO

MAGDALO

MANILA REGIONAL TRIAL COURT JUDGE ANTONIO EUGENIO

PHILIPPINE CONFEDERATION OF COURT EMPLOYEES ASSOCIATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with