Panalo ni PGMA sa '04 tiyak na - House leaders
October 6, 2003 | 12:00am
Naniniwala ang mga pinuno sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na tiyak na ang panalo ni Pangulong Arroyo sa 2004 presidential election dahil sa impresibo nitong karanasan at pagkakaroon ng malinaw na pananaw para sa bayan.
Ayon kina Reps. Jaime Lopez (Manila); Rodolfo Albano (Isabela); Prospero Nograles (Davao City); Jose Miguel Zubiri (Bukidnon) at Robert Ace Barbers, nakilatis na ng taumbayan si Ginang Arroyo at alam na nila na epektibo ang pamamahala nito lalong-lalo na sa pagbibigay ng mga solusyon sa ibat bang problema ng bansa.
Ani Lopez, ang desisyon ng Pangulo na lumahok sa pampanguluhang halalan sa susunod na taon ay sumasailalim sa kanyang katatagang hindi kayang masupil sa gitna ng pagsubok.
Ayon pa sa chairman ng House committee on banks and financial intermediaries, subok na ang kagalingan ng Pangulo sa paglinga sa mga pangangailangan ng taumbayan, partikular na ang mga mahihirap, halimbawa rito ang pamamahagi ng mahigit sa 200,000 hektarya ng lupa para sa mga maralitang taga-lungsod at ang pagbibigay ng titulo sa mahigit 180,000 pamilya sa kanayunan.
Naniniwala naman si Albano na dapat pang bigyan ng palugit ang paglilingkod ng Pangulo. Aniya, sa loob ng maikling taon bilang Presidente ay naipakita ni Ginang Arroyo ang kanyang walang-kupas na kakayahan, ano pa kung magagawa ito sa loob ng anim na taon.
Sang-ayon naman kay Nograles, produkto ng magandang pamamahala ni Pangulong Arroyo ang pagkakaroon ng bansa ng magandang estado sa pangungutang at ang pagkakaroon ng mababang interest.
Ayon sa chairman ng House committee on housing and urban development, ang kagalingan ng taumbayan ang laging nasa isip ni ginang Arroyo at marami na ang nakinabang sa kanyang programang pabahay.
Para naman kina Zubiri at Barbers, isang napakalaki at sukdulang sakripisyo sa panig ng Pangulo na magpasyang lumahok sa halalang pampanguluhan sa gitna ng sari-saring pamumulitika na ginagawa ng ibang sektor sa lipunan. (Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest