Ayon kay House Speaker Jose de Venecia, hindi na sila nasorpresa sa pagkalas sa partido nina Vice President Teofisto Guingona at Senadora Loren Legarda dahil noon pa man ay mayroon nang pahiwatig ang mga itong kakalas sa Lakas.
May plano anya si Legarda na tumakbong bise presidente at hindi naman pupuwedeng kapwa babae ang magtambal na dadalhin ng Lakas sa 2004.
Si Guingona naman anya ay matagal nang mayroong problema sa pagkakaroon ng ibang pananaw sa ilang mahahalagang patakaran ng Pangulo.
Bagaman nakapanghihinayang umano ang pagbibitiw ng dalawang lider ng Lakas, mayroon naman silang karapatang lumabas sa partido para isulong ang pansariling mga political plans.