^

Bansa

Mosque sa Coatabato binomba, 4patay

-
Apat katao kabilang ang isang Regional Director ng National Irrigation Administration (NIA) 12 ang nasawi samantalang mahigit 20 pa ang nasugatan sa madugong ‘grenade attack’ ng hindi pa nakilalang grupo ng mga armadong kalalakihan sa isang mosque sa Midsayap, Cotabato, kahapon ng tanghali.

Kinilala ang mga nasawi na sina NIA 12 Regional Office Director Macmud Mending, Engineer Omar Mamala, Irrigation Officer sa Maguindanao, Imam Ismael Kadul at isa pang di nakilalang sibilyan.

Kasalukuyan namang beneberipika ang mga pangalan ng may mahigit pang 20 kataong nasugatan na mabilis na isinugod sa pagamutan.

Sa isang phone interview, sinabi ni Major Julieto Ando, Spokesman ng Army’s 6th Infantry Division (ID) na nakabase sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao, ang pagpapasabog ay naganap dakong alas- 12:15 ng tanghali sa isang maliit na mosque sa loob ng NIA Regional Office compound sa Brgy. Villarica, Midsayap ng nabanggit na lalawigan.

Ayon kay Ando, kasalukuyang nagsasagawa ng ‘worship service’ ang mga biktima nang biglang hagisan ng granada ng di pa nakilalang mga suspek. Dalawang pin ng sumabog na granada ang narekober ng mga awtoridad sa lugar.

Naghihinala naman ang militar na si Mending ang tunay na target ng pagpapasabog matapos itong makatanggap ng sunud-sunod na death threats nitong mga nagdaang araw.

Sa kasalukuyan, ayon pa kay Ando ay wala pang natutukoy na grupo sa pagpapasabog at patuloy ang imbestigasyon sa kaso para mapanagot ang mga salarin. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ANDO

DATU ODIN SINSUAT

ENGINEER OMAR MAMALA

IMAM ISMAEL KADUL

INFANTRY DIVISION

IRRIGATION OFFICER

JOY CANTOS

MAGUINDANAO

MAJOR JULIETO ANDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with