Nabatid na hindi tinanggap at pinirmahan ni Pleyto ang memorandum order na inisyu ni DPWH Sec. Florante Soriquez na nag-uutos na lisanin nito ang kanyang puwesto bunsod sa inisyung 6-month preventive suspension without pay ng Ombudsman noong Setyembre 25 dahil sa kasong grave threat, misconduct at dishonesty.
Magugunita na si Pleyto at DPWH regional director Romeo Panganiban ay sinuspinde ng Ombudsman matapos na bumagsak sa isinagawang lifestyle check ng Presidential Anti-Graft Commission (PAGC).
Ang suspension order ni Panganiban ay ipinadala ng DPWH sa tanggapan nito sa Laguna, pero ayon sa secretary ni Pleyto, hindi pipirmahan ng kanyang amo ang suspension order dahil may utos anya ang kanyang amo na huwag tanggapin ang memo galing sa tanggapan ni Soriquez dahil hindi umano makatarungan ang inilabas na desisyon ng Ombudsman.
Nagharap ng motion for reconsideration si Pleyto sa Ombudsman upang irekonsidera ang kautusan sa kanyang suspension. (Ulat ni Gemma Amargo)