^

Bansa

DPWH usec. nagmatigas, suspension order ayaw pirmahan

-
Inisnab kahapon ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Salvador Pleyto ang suspension order ng Ombudsman na lisanin nito ang kanyang puwesto.

Nabatid na hindi tinanggap at pinirmahan ni Pleyto ang memorandum order na inisyu ni DPWH Sec. Florante Soriquez na nag-uutos na lisanin nito ang kanyang puwesto bunsod sa inisyung 6-month preventive suspension without pay ng Ombudsman noong Setyembre 25 dahil sa kasong grave threat, misconduct at dishonesty.

Magugunita na si Pleyto at DPWH regional director Romeo Panganiban ay sinuspinde ng Ombudsman matapos na bumagsak sa isinagawang lifestyle check ng Presidential Anti-Graft Commission (PAGC).

Ang suspension order ni Panganiban ay ipinadala ng DPWH sa tanggapan nito sa Laguna, pero ayon sa secretary ni Pleyto, hindi pipirmahan ng kanyang amo ang suspension order dahil may utos anya ang kanyang amo na huwag tanggapin ang memo galing sa tanggapan ni Soriquez dahil hindi umano makatarungan ang inilabas na desisyon ng Ombudsman.

Nagharap ng motion for reconsideration si Pleyto sa Ombudsman upang irekonsidera ang kautusan sa kanyang suspension. (Ulat ni Gemma Amargo)

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

FLORANTE SORIQUEZ

GEMMA AMARGO

INISNAB

MAGUGUNITA

NABATID

PLEYTO

PRESIDENTIAL ANTI-GRAFT COMMISSION

ROMEO PANGANIBAN

UNDERSECRETARY SALVADOR PLEYTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with