Tulo,mabahong kubeta ng Batasan nakumpuni sa pagbisita ni Bush
October 1, 2003 | 12:00am
Kung hindi pa bibisita si US President Bush sa bansa ay hindi nakumpuni ang matagal ng problema ng mga sirang tubo at mabahong kubeta sa Batasan complex. Bagaman at nagbantang magbo-boykot dahil sa balitang iti-take over ng US Secret Service ang Kamara sa loob ng isang linggo para sa pagdating ni Bush, nagpapasalamat naman si Minority Leader Carlos Padilla at maaayos na ang "tulo" sa kisame ng kanyang opisina na nagmumula sa coffee shop sa itaas ng kanyang tanggapan na nasa basement ng main building ng Kamara. Sinabi pa ni Padilla na kailangan pang dumating ang presidente ng Amerika sa Pilipinas para maayos ang tulo na matagal na niyang inirereklamo. Kabilang aniya sa biglang nabago ang mga toilet na nangangamoy sa baho. Gayunman, binatikos din ni Padilla ang biglang pagpapalabas ng pondo ng liderato ng Kamara para ipaayos ang ibat ibang pasilidad sa Batasan. (Ulat ni Malou Rongalerios)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am