^

Bansa

Lalaki biktima rin ng 'verbal abuse'

-
Kung maraming kababaihan sa bansa ang biktima ng pananakit at pambubugbog ng kanilang mga esposo, marami ring lalaki ang kumpirmadong biktima ng "verbal abuse" ng kanilang maybahay.

Sa panayam kay Social Welfare and Development Secretary Dinky Soliman, isa sa bawat 20 lalaki sa bansa ang biktima ng pagmumura at masasakit na pananalita ng kanilang mga misis.

Ayon kay Soliman, ang "verbal abuse" tulad ng pambubugbog ay nasa ilalim din ng kategoryang "domestic violence."

Ang mga salita anyang "wala kang kuwentang tao," "inutil," "walang trabaho at palamunin," "bakit hindi ka na lumayas" ay ilan lamang sa pumapatak sa kategoryang verbal abuse.

Bagaman anya may naitala silang mga kalalakihang biktima ng verbal abuse, ang bilang naman nila ay mas mababa kung ihahambing sa kababaihang biktima ng karahasan ng kanilang esposo.

Karaniwan ang ganitong pagbubunganga ng kanilang asawa ay itinatago na lang ng mga lalaki at hindi inirereport sa kinauukulang ahensiya sa pangambang maapektuhan ang pinangangalagaan nilang "macho image" o kaya’y matawag silang "under de saya."

Pero mayroon anyang mga lalaki na nagrereklamo din kung madalas naman ang pagmumura at pagmamaliit sa kanila ng maybahay o kaya’y ng kanilang nobya.

Ang isyu ng pambubugbog at "verbal abuse" ay natalakay kaugnay ng kontrobersiyal na away nina Kris Aquino at Parañaque Mayor Joey Marquez. (Ulat ni Lilia Tolentino)

AYON

BAGAMAN

KANILANG

KARANIWAN

KRIS AQUINO

LILIA TOLENTINO

MAYOR JOEY MARQUEZ

SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT SECRETARY DINKY SOLIMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with