^

Bansa

Malacañang official napagkamalang terorista sa New York

-
NEW YORK VIA PLDT - Nalagay sa panganib ang buhay ng isang mataas na opisyal ng Malacañang dahil muntik na itong mabaril ng mga kagawad ng US Secret Service matapos mapagkamalang terorista.

Ayon sa report, umakyat sa roof top ng Waldorf Astoria Hotel si assistant secretary Claro Fernandez na umakyat upang magkabit ng sattelite disc video bilang paghahanda naman sa pagdating ni Pangulong Arroyo dito sa New York. Kasama ni Fernandez ang isang tauhan ng Radio TV Malacañang (RTVM) upang magkabit ng nasabing komunikasyon.

Nakipag-ugnayan naman si Fernandez sa mga opisyal ng Waldorf Astoria at sa katunayan ay sinamahan pa ito hanggang makarating sa roof top pero hindi pala naitimbre sa US Secret Service.

Biglang may lumipad na chopper sa building at tinutukan ng baril si Fernandez at pilit na pinababa sa nasabing hotel dahil pansamantalang nakatira dito si US Pres. Bush kasama ang iba pang world leaders na lumalahok sa UN General Assembly.

Sa Waldorf Astoria rin mananatili si Pangulong Arroyo kaya naglalagay ng communications equipment ang mga opisyal ng Malacañang.

Inamin ng mga kagawad ng US Secret Service na muntik na nilang barilin si Fernandez dahil walang koordinasyon ang aktibidad nito sa nasabing gusali.

Dahil si Bush ay nasa New York kaya sobrang higpit ng ipinatutupad na seguridad ng mga kagawad ng pulisya at US Secret Service.

Sa katunayan ay maraming kalsada dito sa New York ang ipinasasara kung dadaan si Bush bilang paghihigpit dahil ang siyudad na ito ay minsan nang nilusob ng mga terorista at pinabagsak ang World Trade Center. (Ulat ni Ely Saludar)

CLARO FERNANDEZ

ELY SALUDAR

FERNANDEZ

GENERAL ASSEMBLY

MALACA

NEW YORK

PANGULONG ARROYO

SA WALDORF ASTORIA

SECRET SERVICE

WALDORF ASTORIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with