^

Bansa

Tsong nilaglag ni Chavez

-
Tinalikuran ni dating Solicitor General Atty. Frank Chavez ang paghawak sa kaso ni Parañaque Mayor Joey Marquez bilang legal counsel nito dahil hindi umano niya kayang tanungin si Kris Aquino tungkol sa mga ikinuwento ng alkalde na makakasira sa aktres sakaling umabot na ito sa korte.

Si Chavez ang abogado ni Marquez sa pagpapawalang-bisa sa kasal nila ni Alma Moreno pero hindi nito tinanggap ang hiling ni Joey na maging abogado sa away nila ni Kris.

Sa panayam sa telepono, inamin ni Atty. Chavez na matapos silang makapag-usap ni Mayor Marquez sa loob ng tatlo’t kalahating oras at naidetalye ang mga pangyayari sa loob ng relasyon nito kay Kris Aquino, hindi niya umano niya kayang ilahad sa korte ang mga ibinunyag ni Marquez na pawang "damaging revelations" laban kay Kris sakaling isalang ito sa cross-examination o mapunta na sa demandahan ang lahat.

Nilinaw din ni Chavez na hindi niya kailanman sinabi na siya ang hahawak sa kaso bagkus ay lumapit lamang sa kanya si Marquez upang humingi ng advice ukol sa nasabing problema makaraang pumutok ang paghaharap ng reklamo ng aktres laban sa alkalde.

Bilang pagbibigay respeto na rin anya kay dating Pangulong Cory Aquino kaya nagdesisyon siyang bitawan ang kaso, pero binigyang-diin pa ni Chavez na ang kanyang maagang pagbabago ay wala namang kinalaman sa pagiging dating Solgen niya kay Cory.

Marami na umanong problema si Cory para masaktan pa sa pag-abot ng usapin sa korte kaya makabubuting pabayaan na niya ito dahil isang napakabuti at respetadong tao ang dating lady president.

Sa halip, pinayuhan na lamang ni Chavez si Joey na makipag-ayos kay Kris. (Ulat ni Ludy Bermudo)

vuukle comment

ALMA MORENO

CHAVEZ

FRANK CHAVEZ

KRIS AQUINO

LUDY BERMUDO

MARQUEZ

MAYOR JOEY MARQUEZ

MAYOR MARQUEZ

PANGULONG CORY AQUINO

SI CHAVEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with