Counting machine ng Comelec palpak
September 25, 2003 | 12:00am
Nagbabala kahapon ang mga senador na hindi pa handa ang Commission on Elections (Comelec) sa 2004 elections matapos matuklasan na depektibo ang ilang automated vote-counting machines ng Department of Science and Technology (DOST).
Sinabi nina Senators Tessie Aquino-Oreta, Edgardo Angara, Aquilino Pimentel at Rodolfo Biazon na hihilingin nila sa joint congressional oversight committee on election modernization na imbestigahan ang nadiskubreng palpak na machines na ito ng Comelec.
Ayon kay Sen. Angara, paano gagamitin ang mga AVCM na ito ng Comelec gayung 9 mula sa 30 makinang ito ang natuklasan ng DOST na depektibo sa isinagawang test.
"Its no joke that 30 percent of the machines are not worthy and better be back to manual system and just allow a few selected areas in the country to use the machines to minimize fraud, unless this deficiency is corrected, the credibility and reliability of these vote-counting machines would be a big question," wika pa ni Angara na co-chair ng oversight committee.
Inamin naman ni Ferdie Rafanan ng Comelec-Metro Manila office na talagang hindi pa handa ang poll body para sa 2004 elections dahil sa mismong validation pa lamang ng rehistro sa mga presinto sa MM ay nagmumula sa kanilang sariling bulsa ang pagpapa-photo copy sa mga forms gayung milyon ang inuubos sa malalaking proyekto.
Nais ng mga senador na pigilin ang paggamit ng nasabing vote-counting machines sa buong kapuluan sa susunod na eleksiyon at sa halip ay gamitin na lamang ito sa Metro Manila at Autonomous Region of Muslim Mindanao.
Aabot sa P1.3 bilyon ang halaga ng 190,000 na vote-counting machines na inorder ng Comelec mula sa Korea na nagkakahalaga ng P500,000 bawat isa para gamitin sa 2004 elections. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest