^

Bansa

Kris nagkatulo kay Joey

-
"He gave me a sexually transmitted disease!"

Ito ang bombang pinasabog kagabi ng actress/TV host na si Kris Aquino kontra Parañaque Mayor Joey Marquez na posibleng ikawasak ng political career ng huli.

Sa isang pagbubunyag na ginawa ni Kris sa isang exclusive interview ni Korina Sanchez sa ABS-CBN TV Patrol ay inamin ni Kris sa kauna-unahang pagkakataon na siya ay nagkaroon ng sexually transmitted disease (STD) na nakuha nito mula sa live-in partner na alkalde.

Napilitan itong ibulgar ang pagkakaroon niya ng STD matapos siyang takutin umano ni Joey na may pasasabugin itong baho ni Kris noong gabing nagkaroon ng bayolenteng away ang dalawa na humantong sa pananakit at panunutok ng baril.

Nabatid sa pagbubunyag ni Kris na nakuha niya ang sakit noong March 2003. Dinugo noon si Kris kaya napilitan siyang magtungo sa St. Lukes Medical Center kasama ni Joey para magpagamot.

Ang pagkakaroon niya ng ganitong sakit ang palagi na umanong ipinapanakot ni Joey tuwing nag-aaway sila.

"Do you think ‘pag nalaman yan ng buong Pilipinas, may lalaki pang magpapakasal sa iyo? Sinong matinong lalaki ang papatol sa’yo?" sabi umano ni Joey kay Kris.

Bukod sa nakakahiyang sakit na ibinigay sa kanya ni Joey, sinabi ni Kris na nagtiis siya sa mga pananakit nito sa kanya dahil gusto niyang i-save ang kanilang relasyon. Pero ang hindi niya matanggap ay ang ginawang pagtutok at pagkasa ng baril ng mayor sa kanya.

Binanggit rin ni Kris ang panlalait ni Joey sa mga naging karelasyon niya kung saan tinawag nitong palamunin ni Kris si Philip Salvador, habang tinawag naman nitong ex-convict at drug addict si Robin Padilla.

Gayunman ay hindi pa rin itinanggi ni Kris na hanggang sa ngayon ay mahal pa rin niya si Joey, pero lalong hindi naman siya estupida para ituloy pa ang pagmamahal niya kay Joey.

Bilang panghuli ay sinabi niya na sinungaling si Joey.

"Joey hindi tayo nagkausap ng maayos. I love you very much, but you never respected me. Kaya inilabas ko na ang lahat ng baho. Alam ko ang mga pagkakamali ko pero hindi ako sinungaling na tao."

"Humihingi ako ng tawad kay Alma (Moreno) at sa mga anak niya. Kung hindi ako pumasok sa eksena baka nagkabalikan pa kayo. Humihingi rin ako ng tawad sa anak kong si Joshua dahil minsan kinakalimutan ko na siya dahil kay Joey," pagtatapos ni Kris.

vuukle comment

HUMIHINGI

JOEY

KORINA SANCHEZ

KRIS

KRIS AQUINO

MAYOR JOEY MARQUEZ

NIYA

PHILIP SALVADOR

ROBIN PADILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with