^

Bansa

Ermita,bagong Defense chief

-
Si Presidential Adviser on the Peace Process Eduardo Ermita ang itinalaga ni Pangulong Arroyo na bagong Defense secretary kapalit ng nagbitiw na si Angelo Reyes.

Ang paghirang kay Ermita ay naganap sa bisperas ng isang linggong paglalakbay ng Pangulo sa New York at Europe. Aalis ngayong gabi si Pangulong Arroyo at itinalaga si Vice President Teofisto Guingona bilang caretaker ng Palasyo habang siya ay nasa ibang bansa.

Gayunman, ang pag-okupa ni Ermita sa puwesto ay magaganap lamang sa sandaling makabalik na ang Pangulo mula sa biyahe.

Matatandaang nang magbitiw sa tungkulin si Reyes, ang Pangulo ang pansamantalang nanungkulang Defense secretary hanggang hindi pa nakakapili ng pirmihang kalihim nito.

Tinanggap naman ni Ermita ang bagong posisyon na ipinagkatiwala sa kanya ng Pangulo.

Si Ermita ay dating isang opisyal ng militar at nakapagretiro na sa serbisyo.

Naging kongresista siya ng Batangas bago nahirang na Presidential Adviser on the Peace Process sa ilalim ng administrasyong Arroyo. (Ulat ni Lilia Tolentino)

ANGELO REYES

ERMITA

LILIA TOLENTINO

NEW YORK

PANGULO

PANGULONG ARROYO

PEACE PROCESS

PEACE PROCESS EDUARDO ERMITA

PRESIDENTIAL ADVISER

SI ERMITA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with