^

Bansa

Bar exams uulitin

-
Ipauulit ng Supreme Court sa mga barristers ang bar examination matapos na makatanggap ng impormasyon na nagkaroon ng dayaan o leakage sa isang bahagi ng pagsusulit.

Ayon kay Associate Justice at Bar chairman Jose Vitug, pinawalang bisa ng SC ang Mercantile law subject dahil sa pagkalat ng mga tanong bago ginanap ang exam.

Isang impormante ang tumawag umano sa empleyado ni Vitug tungkol sa dayaan. Nakumpirma ito matapos na ipakita kay Vitug ang isang nakuhang questionnaire.

Ang Mercantile law ang bumubuo ng 15 percent sa bar exam.

Uulitin ang major questions sa Mercantile law sa darating na Oktubre 4 dakong alas-4 ng hapon sa De La Salle University sa Taft Avenue, Manila.

Ang pagpapaulit ay batay sa ipinalabas na resolution No. 0921 ng SC.

Mayroong 5,455 law graduates ang kumuha ngayong taon ng nasabing examination na nagsimula noong Setyembre 7.

Magugunita na nagkaroon din ng anomalya sa bar exams noong panahon ni dating Associate Justice Fidel Purisima kung saan nadiskubre na ang pamangkin nitong si Mark Purisima ay kumuha ng bar exams kahit pa ang una na kanyang tiyuhin ang siyang bar chairman.

Mahigpit na ipinagbabawal ng SC ang pagkuha ng bar exams sa mga kaanak ng sino mang Bar chairman dahil pinananatili ang mataas na integridad nito at upang maiwasan na magkaroon ng notion na nagkakaroon ng dayaan sa pagkuha ng nasabing pagsusulit. (Grace dela Cruz)

ANG MERCANTILE

ASSOCIATE JUSTICE

ASSOCIATE JUSTICE FIDEL PURISIMA

BAR

DE LA SALLE UNIVERSITY

JOSE VITUG

MARK PURISIMA

SUPREME COURT

TAFT AVENUE

VITUG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with