Ikinatwiran ng mambabatas na maging ang International Finance Corporation (IFC), ang investment arm ng WB, ay nagbabalang lalong susubsob ang ekonomiya ng Pilipinas dahil sa tuluy-tuloy na pag-utang nito.
Inirekomenda ng IFC na magpatupad na lamang ng epektibong pagbubuwis ang administrasyong Arroyo upang matugunan ang kinakailangan nito sa pananalapi.
Tiniyak pa ng senador na hahantong sa debt crisis ang nakaugalian nang pangungutang ng Finance secretary.
Base sa mga datos, bago matapos ang 2004 ay maituturing na may utang na P37,500 ang bawat Filipino.
Kaugnay nito, iginiit niya ang pagpapatibay ng kanyang panukalang Debt Cap law na naglalayong obligahin ang Malacañang na ipagpaalam muna sa Kongreso ang gagawing pangungutang.
Pinayuhan rin niya si Camacho na pag-igihan na lamang ang pangongolekta ng buwis.
Matatandaang sinabi ni Camacho na kinukunsidera ng pamahalaan ang mangutang ng panibagong P50 bilyon sa global market bilang paunang pondo para sa susunod na taon. (Ulat ni Rudy Andal)