Ayon kay Trade and Industry Secretary Mar Roxas, ang pautang na ito na may 9% interest ay naglalayong maisulong ang pagpapaunlad ng maliliit na industriya at pabrika.
Ang katamtamang pautang sa maliliit na industriya ay umaabot sa P1.2 milyon.
Mayroon pa anyang pangalawang P10 bilyong pondo na ipalalabas ang pamahalaan sa susunod na anim na buwan para makalikha ng empleyo.
"Ang pondong ito ay hindi libre kundi pautang na maaaring makuha sa Land Bank of the Philippines, Development Bank of the Philippines at Small Business Guarantee Finance Corp," ani Roxas.
Dahil sa ayudang pondo sa mga industriya, sinabi ni Roxas na nakalikha na ng 259,000 empleyo sa sektor ng industriya at 254,000 sa sektor ng serbisyo.
Naghatid anya ito sa kalahating milyong empleyo na nalikha sa ilalim ng dalawang nabanggit na sektor na nakinabang sa programang SULONG ni Pangulong Arroyo. (Ulat ni Lilia Tolentino)