GMA huwag nang pakialaman ang pagtugis kay Al Ghozi
September 20, 2003 | 12:00am
Iginiit kahapon ni Sen. Rodolfo Biazon na asikasuhin na lamang ni Pangulong Arroyo ang ating ekonomiya kaysa sumama pa ito sa pagtugis sa nakatakas na LRT bombing suspect na si Fathur Rohman Al-Ghozi.
Ani Biazon, trabaho ng pulisya at militar ang paghuli kay Al-Ghozi kaya hindi na dapat pang sumama ang Pangulo at kung mabigo ang mga ito ay dapat maghanap na siya ng magiging kapalit sa mga pinuno nito na magagampanan ang tungkuling muling madakip si Al-Ghozi.
Wika ni Biazon, hindi naman sundalo si GMA para sumama pa ito sa paghahanap sa Indonesian terrorist.
Aniya, kung si GMA pa mismo ang mangunguna sa paghahanap sa nakatakas na terorista ay hindi na nito maaasikaso ang kinakaharap na suliranin ng ating ekonomiya.
Sinabi ni Sen. Biazon, isang magaling na ekonomista si Pangulong Arroyo kaya gamitin na lamang niya ang kanyang kakayahan para mapaangat ang ating ekonomiya.
Hinala naman ni Negros Occidental Rep. Apolinario Lozada, hawak na ng gobyerno ang puganteng terorista.
Hindi anya magkakalakas ng loob ang Pangulo na magtungo sa Minanao kung hindi pa hawak o kontrolado na nito ang pinagtataguan ni Al-Ghozi.
Naniniwala pa rin si Lozada na ipiprisinta si Al-Ghozi bilang regalo sa pagdating sa bansa ni US Pres. George Bush. (Ulat nina Rudy Andal/Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest