Ang mga transactions sa pag-aari ni Lacson ay nakadetalye sa mga dokumentong galing sa Estados Unidos.
Ipinakikita sa mga ito na habang si Lacson ay hepe ng PNP, ibinenta niya ang isa niyang bahay sa San Diego noong April 10, 1999.
Sa records ng Estados Unidos, nakalista ang maraming tirahan ni Lacson sa California:
2305 Sea Island Place, Chula Vista; 1011 Laguna Seca Loop, Chula Vista; 14300 Terra Bella st. 73, Panorama City; 2252 Mountain Ridge Road, Chula Vista; 60 14300 Tarabella st. S, Panorama City; 3500 Plaza Boulevard, National City; 2295 California st., San Francisco at 3530 Locust Ave., Long Beach.
Ang bahay na may address na 1011 Laguna Seca Loop, Chula Vista ay nabili ng isang nagngangalang James Diemer sa halagang $185, 000. Nakasulat sa records ng transaction na ang nagbenta ay sina Alice P. Lacson at Panfilo M. Lacson. (Ulat ni Rudy Andal)