'Right to privacy' handang dalhin sa Korte
September 18, 2003 | 12:00am
Ipinahayag kahapon ng negosyanteng si Ignacio "Iggy" Arroyo na handa siyang dalhin ang issue ng "right to privacy" sa Korte Suprema.
Sa isang press conference, sinabi ng abogado ni Arroyo, si Atty. Antonio Zulueta, na handa silang panindigan ang kanilang posisyon sa issue ng right to privacy kung ipagpipilitan ng Senado na magsalita si Iggy tungkol sa mga pribadong bagay.
"Si Ginoong Arroyo ay isang pribadong mamamayan. Siya ay isang pribadong negosyante. Binuksan niya ang kanyang bank account gamit ang pribadong pondo," sabi ni Zulueta.
Pagdating ng tamang panahon,handa silang pumunta sa Korte Suprema upang mapagpasiyahan ang bagay na ito, dagdag ni Zulueta.
Nauna rito ay niliwanag ni Senador Aquilino Pimentel, tagapagsalita ng tatlong komite sa Senado na nagsisiyasat sa Jose Pidal issue, na kailangang mag-submit si Senador Panfilo Lacson ng mga orihinal na dokumento ng mga materyales na ipinakita niya sa isang computer presentation.
Ito, ani Zulueta, ay pagpapatunay ni Sen. Pimentel na hanggang sa mga sandaling ito ay wala pang naibibigay na ebidensiya si Lacson upang patunayan ang kanyang mga bintang.
Sa isang interview, niliwanag ni Zulueta na "sinumang may hawak ng mga original documents ay kailangang managot sapagkat walang permiso o authorization na maipamahagi ang mga dokumentong ito."
Idinagdag pa niya na hindi maaaring tanggapin bilang ebidensiya ang ano mang dokumentong nakuha ng labag sa batas o walang permiso. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
16 hours ago
Recommended