^

Bansa

Kaanak ng senador, kongresista bawal makipag-transaksiyon sa gobyerno

-
Ipagbabawal na ang mga kaanak ng senador, kongresista at gabinete na makipag-negosyo sa pamahalaan upang tuluyang mawakasan ang corruption sa gobyerno.

Ito ay matapos maghain ng Senate bill 2654 si Senate Majority Leader Loren Legarda upang lalong palakasin ang Anti-Graft and Corruption Practices Act.

Sa ilalim ng panukala ni Sen. Legarda, ipagbabawal na sa mga asawa, kaanak hanggang sa 1st civil degree of affinity at consanguinity ng mga senador, kongresista at miyembro ng gabinete sa anumang negosyo o kontrata sa pamahalaan.

Ayon kay Legarda, sa kasalukuyan ay ang mga asawa at kaanak lamang sa 3rd degree of affinity at consanguinity ng presidente, bise presidente, senate president at house speaker ang pinagbabawalang makipag-negosyo at pumasok sa kontrata sa gobyerno.

Aniya, sa pamamagitan ng panukalang ito ay hindi na magagamit ng mga kaanak ang mga opisyal ng gobyerno na may sensitibong posisyon upang makakuha ng kontrata at negosyo sa pamahalaan. (Ulat ni Rudy Andal)

ANIYA

ANTI-GRAFT AND CORRUPTION PRACTICES ACT

AYON

IPAGBABAWAL

LEGARDA

RUDY ANDAL

SENATE MAJORITY LEADER LOREN LEGARDA

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with