Batasan complex sinuyod ng White House officials
September 16, 2003 | 12:00am
Nasa apatnapung (40) White House, Secret Service at US Embassy personnel ang nagsagawa kahapon ng ocular inspection sa Batasang Pambansa complex, Quezon City bilang paghahanda sa gagawing pagdalaw ni US President Bush sa Kongreso.
Isang joint session ang isasagawa sa Oktubre kung saan magsasalita si Bush sa harap ng mga senador at mga miyembro ng House of Representatives.
Sinuyod ng mga White House Secret Service, Malacañang Protocol officials, Presidential Security Group at mga miyembro ng House Legislative Security Bureau ang loob ng Batasan complex upang masigurong maging ligtas si Bush sa loob ng Kongreso.
Dumating ang mga opisyal ng Amerika sa Batasan sakay ng isang tourist bus na may back-up mula sa Presidential Security Group at PNP.
Sa Oktubre 18 nakatakdang dumating si Bush sa bansa sakay ng Air Force One na inaasahang lalapag sa Clark Air Base sa Pampanga.
Mahigpit na seguridad ang ipatutupad sa mga papasok sa Batasan sa mga susunod na araw bilang bahagi ng gagawing pagdalaw ni Bush. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest