Drug money pasok sa eleksiyon
September 16, 2003 | 12:00am
Gagamitin umano bilang "campaign funds" ng mga tiwaling pulitiko sa bansa ang limpak-limpak na salaping kinikita ng mga ito sa illegal drug trade kaugnay ng ambisyong isulong ang kanilang kandidatura sa 2004 elections.
Pinapatutukan din ni Pangulong Arroyo ang pakikipagsabwatan ng mga organisadong sindikato tulad ng bank robbery/holdup gang sa mga tiwaling pulitiko dahil habang papalapit ang 2004 ay papatindi rin umano ang namamagitang sabwatan at pagkakasangkot ng mga tiwaling pulitiko sa mga bank robbery/holdup gang na sunud-sunod ang pag-atake para makalikom ng pondo sa nalalapit na halalan.
Dahil dito, ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director Anselmo Avenido Jr., masusi nilang minomonitor ang natanggap nilang impormasyon na ilang tiwaling pulitiko umano ang sangkot sa illegal drug trade.
Ang drug money umano ay isa sa pinakamalakas pagkakitaan at siyang nakikitang alternatibo ng mga tiwaling opisyal bukod sa bank robbery/holdup, jueteng at iba pa.
Gayunman, karamihan sa minomonitor ay mga tatakbo sa lokal na posisyon tulad ng mga mayor at gobernador.
Magugunita na noong Oktubre 11, 2001 ay nasakote ng mga awtoridad si Panukulan, Quezon Mayor Ronnie Mitra matapos masamsaman ng 503.68 kilo ng shabu na inilulan ng ambulansiya sa isinagawang operasyon sa bayan ng Real, Quezon.
Ayon kay Avenido, hindi malayong may iba pang mga pulitiko na tulad ni Mitra ang ginagamit ang impluwensiya at kapangyarihan sa kanilang illegal na aktibidad.
Aminado naman si Avenido na kabilang sa nakahahadlang sa kanilang operasyon ay ang kabiguan ng mga testigo na idiin ang mga inaakusahang opisyal sa kabila ng mga natatanggap nilang impormasyon sa pagkakasangkot ng mga kinauukulan sa illegal drug trade.
Base sa pinakahuling ulat na nakalap ng PDEA mula sa DDB, umaabot sa 8.4M ang mga drug users sa bansa habang tinataya namang P150 bilyon ang kinikita ng mga drug traffickers. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Gemma Garcia | 3 hours ago
By Doris Franche-Borja | 3 hours ago
By Ludy Bermudo | 3 hours ago
Recommended