Tabayoyong isinuka ng Korte Suprema
September 15, 2003 | 12:00am
Nabulgar kahapon na idineklara ng Korte Suprema na umanoy "mangmang" at "nangongopya ang iniharap na handwriting expert ni Senador Panfilo Lacson upang pabulaanan ang mga ginawang pagsusuri ng Philippine National Police (PNP) Crime Laboratory hinggil sa mga pirma nina First Gentleman Jose Miguel Arroyo at Jose Pidal.
Ayon kay Atorni Jesus Santos, abugado at tagapagsalita ng Unang Ginoo, tumanggap siya ng impormasyon mula sa kapwa abugado na si Segundo Tabayoyong ay binansagan ng Kataas-Taasang Hukuman sa bansa bilang isang "mangmang" umano sa dalawa nitong kasong dininig noong taong 1985 at 1986.
Matatandaan na si Tabayoyong ang iniharap na handwriting expert ng kampo ni Lacson upang pasinungalingan na si Ginoong Arroyo at Pidal, taliwas ginawang pagsusuri ng PNP Crime Lab.
Batay sa datos ng Supreme Court Reports Annotated (SCRA), dalawang kaso-Cesar vs Sandiganbayan at Bayot vs Sandiganbayan - hindi pinansin ng Korte ang ginawang pag-aanalisa ni Tabayoyong, bukod sa hindi ito nakatapos ng anumang kurso sa kolehiyo.
"Sa kaso ng Cesar vs Sandiganbayan, binaligtad ng SC ang naging desisyon ng mababang hukuman hinggil sa ibinigay na hatol kay Lorenzo Cruz na 577 taong pagkakakulong dahil sa katiwalian," ayon sa pahayag ni Santos.
Aniya, ibinatay ng mababang hukuman ang ginawa nitong kaparusahan laban sa dating opisyal ng Department of Education, Culture and Sports batay na rin sa ibinigay na pag-aanalisa ni Tabayoyong.
Ayon sa SC, bigo si Tabayoyong sa kanyang tungkulin na pagkumparahin ang tinatanong at ang tunay na pirma ni Cesar batay sa kanilang pagkakaiba at pagkakatugma ng tinatanong na pirma.
Hinggil naman sa Bayot vs Sandiganbayan, tinanong ng SC ang kapasidad ni Tabayoyong na tawaging bihasa sa pagsusuri ng pirma dahil hindi umano nakatapos ito ng kursong criminology, physics o maging chemistry.
Ayon sa Korte, trainee sa National Bureau of Investigation si Tabayoyong at pasado lamang ito sa kuwalipikasyon bilang general clerk batay sa Civil Service Eligibility.
"Napatunayan ng Korte Suprema na hindi nakapasa sa anumang board examination si Tabayoyong at kahina-hinala rin na sa bansang Argentina pa nito nakuha umano ang kanyang titulo," pahayag pa ni Santos.
Dahil dito, naniniwala si Santos na isa-isang nalalantad sa publiko ang mga kasinungalingang ikinakalat ng kampo ni Lacson laban sa mga ordinaryo at inosenteng mga tao. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended