Enrile umalma sa pagbasura ng DOJ sa libel vs Inquirer
September 14, 2003 | 12:00am
Bunsod ng ginawang pagbasura ng Department of Justice (DOJ) sa libel case kontra pahayagang The Daily Inquirer ay umalma si dating Senator Juan Ponce Enrile sa pamamagitan ng paghahain nito ng petition for certiorari sa Court of Appeals. Hangarin ni Enrile na repasuhin ng CA ang kasong libelo na una ng ibinasura ng DOJ.
Batay sa inihaing petisyon sa Appellate Court ng dating senador ay napatunayan ng Makati City Prosecutors Office na may matibay na ebidensya o prima facie evidence upang maisulong ang kaso subalit binaligtad ito sa resolusyong ipinalabas ni dating Justice Sec. Hernando Perez.
Ang Inquirer ay sinabitan ng kasong libelo bunsod na rin ng malisyosong paggamit ng mga kataga bilang banner story ng "No Settlements to Coco Levy Funds."
Sa nasabing isyu ng Inquirer kabilang si Enrile, Zambonga City Mayor Ma. Clara Lobregat, Danding Cojuangco at ACCRA lawyers sa mga nakinabang sa mga nakaw umanong pera mula sa coco levy. (Ulat ni Ludy Bermudo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest