^

Bansa

Pinas magiging gossip capital ng mundo

-
Nagbabala kahapon ang isang mambabatas sa posibilidad na maging gossip capital ng mundo ang Pilipinas kapag hindi itinigil ng iba’t ibang political quarters ang pagkakalat ng tsismis tungkol sa personal na buhay ng First Couple.

Ayon kay Pangasinan Rep. Generoso Tulagan, tama nang matawag tayong texting capital ng mundo, pero ang pag-usapan ang buhay ni Pangulong Arroyo bilang maybahay ay hindi na katanggap-tanggap. "Her being a wife has definitely nothing to do with her being the President," ani Tulagan.

Naniniwala si Tulagan na ginagamit ngayon ng ilang political quarters ang tsismis kaugnay sa personal na buhay ng Pangulo upang masira ang administrasyon. ‘Below the belt’ na aniya ang tsismis na siguradong makakaapekto rin sa ekonomiya ng bansa.

Sinabi pa ni Tulagan na siguradong sasamantalahin ng mga kalaban ng gobyerno ang nangyayari ngayon sa administrasyon kaya dapat itong paghandaan. (Ulat ni Malou Rongalerios)

AYON

FIRST COUPLE

GENEROSO TULAGAN

MALOU RONGALERIOS

NAGBABALA

NANINIWALA

PANGASINAN REP

PANGULO

PANGULONG ARROYO

TULAGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with