Money laundering vs Nani bubuhayin sa House
September 13, 2003 | 12:00am
Hiningi kahapon ni House Minority Leader Carlos Padilla ang muling pagbubukas ng imbestigasyon sa nakaburol na kasong money laundering laban kay dating Justice Secretary Hernando "Nani" Perez upang mabawasan ang mabahong amoy ng corruption sa kasalukuyang administrasyon.
Iginiit ni Padilla ang pagbuhay sa kaso ni Nani Perez matapos na tutulan ng mga senador na kakampi ng Palasyo ang pagratipika sa isang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Hong Kong na magtulungan at magpalitan ng impormasyon tungkol sa corruption, bribery at iba pang malalaking kaso na sangkot ang mga opisyales ng pamahalaan ng magkabilang panig.
Ang nasabing kasunduan ng tinatawag na Mutual Legal Assistance Treaty ay magbibigay sana ng pagkakataon sa Pilipinas na hingin sa HK ang impormasyon tungkol sa $2 milyon "kotong" daw ni Perez sa pag-apruba sa kontrata ng kumpanyang IMPSA ng Argentina para ayusin ang mga power plants sa Southern Luzon.
Sa isang privilege speech sinabi ni Rep. Mark Jimenez (6th district, Manila) na siya ang ginamit na tulay ng IMPSA para maglagay ng $14 milyon upang mabuo ang dambuhalang kontrata tungkol sa mga power plants.
Ayon kay Jimenez, $2 milyon sa $14 milyon ang napunta kay Perez, $1 milyon sa "Palace boys" at "$4 milyon sa "Palace residents."
Matapos ang kanyang expose, bumaligtad sa isang desisyon ang Korte Suprema na nagbigay daan sa extradition ni Jimenez sa Amerika kung saan siya ngayon ay under house arrest habang ang kanyang mga kasong tax evasion at iba pa ay nililitis.
Sinasabing si Perez ang nagmaniobra upang si Jimenez ay mapalayas sa Pilipinas.
Sa galit ng kaibigan ni Jimenez na si Rep. Willy Villarama ng Bulacan, siya naman ang nagsagawa ng isang privilege speech kung saan tinawag niyang "million dollar man" na patungkol kay Perez dahil sa milyong dolyar na lagayan sa kontratang IMPSA.
Ayon kay Padilla, ang hindi pagkilos ng pamahalaang Arroyo sa kasong money laundering ni Perez ay malinaw na patunay na sa kasalukuyang administrasyon ang mga malalakas ay hindi ginagalaw. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest