Sinabi ng Pangulo na bagaman ang "pink eye" na isa lang pangkaraniwang sore eyes sa ating bansa at hindi kasing tindi ang epekto tulad ng SARS, kailangang maging maagap ang mga Health authorities sakalit makarating ito sa Pilipinas.
Sinabi naman ni Health Secretary Manuel Dayrit, seasonal lamang umano ang sakit na pangkaraniwang sumisiklab sa ating bansa tuwing summer ngunit maaari ding magkaroon sa tuwing tag-lamig.
Ilang sintomas ng "pink eye" o epidemic koratoconjunctivitis ay bloodshot o pangangati at pamumula ng mata na may kasamang pananakit ng ulo at kalamnan.
Pinayuhan ni Dayrit ang publiko na manatiling malinis sa kanilang katawan sa pamamagitan ng palaging paghuhugas ng kamay at iwasan ang eye contact sa nagtataglay ng sore eyes. (Ulat nina Lilia Tolentino/Gemma Amargo)