Pera sa Pidal ibigay sa SSS members

Sinabi kahapon ng unyon ng Social Security System na ibigay na lamang sa 23.4 milyong miyembro ng SSS ang lahat ng laman ng Jose Pidal account sa ilang bangko kung totoong mayroon ito.

Ayon sa Alert and Concerned Employees for Better SSS, dapat na rin umanong itigil na ng mga miyembro ng oposisyon ang usapin bilang bahagi ng kanilang propaganda para sa 2004 election.

Sinabi ng ACCESS na gawang makabayan ang paglalagay ng P260 milyon laman ng nasabing account at pupuwedeng gawin ito sakaling walang maghahabol dito.

Nagbabala ang unyon na maaaring magkaroon ng masamang epekto gaya ng maramihan at malakihang withdrawal sa mga bangko kapag hindi mahahawakan ng mahusay ang kontrobersiya.

Matatandaang isiniwalat ni Sen. Panfilo Lacson ang pagkakaroon ng Jose Pidal account pero sa ngalan umano ni First Gentleman Mike Arroyo na inako naman ng kapatid nitong si Ignacio.

Show comments