DENR sec.nameke daw ng school record
Inireklamo kahapon ng pamemeke ng dokumento sa Office of the Ombudsman si Environment and Natural Resources Sec. Elisea Gozun dahil sa pagsasabi nitong nagtapos siya sa isang unibersidad sa Cebu City noong 1975. Ayon sa complainant na si Lauro Paglinawan ng Bgy. Culiat, Quezon City, nagsinungaling umano si Gozun dahil base sa school records, hindi siya naging estudyante ng Southwestern University. Naghain din ng hiwalay na graft complaint si Paglinawan dahil sa biglang pagtaas umano ng personal asset ni Gozun matapos itong maupo sa DENR. Mula P13,862,556 noong 2001, naging P35,027,444 umano ang net worth ni Gozun o pagtaas ng P21 milyon base sa isinumite niyang assets and liabilities sa CA. (Ulat ni Malou Rongalerios)