Amnestiya sa killer ng mga sundalo pinababawi
September 8, 2003 | 12:00am
Dapat ibasura ng Court of Appeals ang desisyon ng National Amnesty Commission (NAC) makaraang pagkalooban ng amnestiya ang killer ng apat na miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) at 21 sundalo ng Philippine Marines noong Enero 8, 2001 alinsunod sa naging rekomendasyon ng Local Amnesty Board (LAB) noong Mayo 26, 2000.
Ito ang nilalaman ng 4-pahinang petisyon na inihain sa Apellate Court ni Pakutu Tabua Samputo, ama ni Ompong Samputo, isa sa 25 na biktima ng akusadong si Durie Kallahal Sahasal.
Si Sahasal ay isa sa mga positibong itinurong pumatay sa mga nabanggit na biktima noong Pebrero 9, l993 sa Sitio Bedungan, Tuburan, Basilan. Siya ay kinasuhan ng 25 counts of murder sa Isabela, Basilan Regional Trial Court, Branch 2.
Ibinigay naman ang amnesty sa akusado dahil sa ginamit nitong depensa na ang pagkakapatay sa mga biktima ay may kaugnayan sa pulitika na bahagi aniya ng pagrerebelyon ng Moro Islamic Liberation Front (MNLF) laban sa pamahalaan.
Ngunit nilinaw ni Samputo na hindi kailanman naging bahagi o miyembro ng kilusang MNLF ang naturang akusado kaya dapat ituwid ng Appellate Court ang nagawang pagkakamali ng NAC at LAB. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest