Ito ay kaugnay ng sinasabing $2 million na Swiss deposit ni Perez na umanoy suhol sa pagpapatibay sa kontrobersyal na IMPSA deal na ibinunyag kamakailan ni Manila Congressman Mark Jimenez na ngayon ay nililitis sa Estados Unidos.
Ayon kay Presidential Spokesman Ignacio Bunye, hindi ipinagbabawal ng Pangulo ang pag-iimbestiga kay Perez at lalong hindi ito bibigyan ng proteksyon.
Sinabi ni Bunye na ang kaso ni Perez ay kahalintulad sa hindi pakikialam ng Pangulo sa alegasyon laban kay First Gentleman Mike Arroyo.
"Hindi ipinagbabawal ng Pangulo ang pag-iimbestiga. The ball is in court of DOJ. At ang ating Pangulo ay hindi makikialam. She will not give any protection to the former Justice Secretary," paliwanag ni Bunye.
Idinagdag pa ni Bunye na bahala na si Perez na idepensa ang kanyang sarili kaugnay ng mga kinakaharap nitong kaso. (Ulat ni Ely Saludar)