^

Bansa

GMA walang paki kay Nani

-
Tiniyak ng Malacañang na hindi bibigyan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng proteksyon si dating Justice Secretary Hernando "Nani" Perez kaugnay sa alegasyong bribery at money laundering.

Ito ay kaugnay ng sinasabing $2 million na Swiss deposit ni Perez na umano’y suhol sa pagpapatibay sa kontrobersyal na IMPSA deal na ibinunyag kamakailan ni Manila Congressman Mark Jimenez na ngayon ay nililitis sa Estados Unidos.

Ayon kay Presidential Spokesman Ignacio Bunye, hindi ipinagbabawal ng Pangulo ang pag-iimbestiga kay Perez at lalong hindi ito bibigyan ng proteksyon.

Sinabi ni Bunye na ang kaso ni Perez ay kahalintulad sa hindi pakikialam ng Pangulo sa alegasyon laban kay First Gentleman Mike Arroyo.

"Hindi ipinagbabawal ng Pangulo ang pag-iimbestiga. The ball is in court of DOJ. At ang ating Pangulo ay hindi makikialam. She will not give any protection to the former Justice Secretary," paliwanag ni Bunye.

Idinagdag pa ni Bunye na bahala na si Perez na idepensa ang kanyang sarili kaugnay ng mga kinakaharap nitong kaso. (Ulat ni Ely Saludar)

BUNYE

ELY SALUDAR

ESTADOS UNIDOS

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

JUSTICE SECRETARY

JUSTICE SECRETARY HERNANDO

MANILA CONGRESSMAN MARK JIMENEZ

PANGULO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PEREZ

PRESIDENTIAL SPOKESMAN IGNACIO BUNYE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with