^

Bansa

Comelec palpak sa OFWs registration

-
Malaking kapalpakan ang kauna-unahang implementasyon ng Comelec sa registration ng mga botante sa mga overseas Filipino workers (OFWs) sa ibang bansa sa pagpapatupad ng Absentee Voting.

Base sa datos ng Overseas Absentee Voting Secretariat ng Department of Foreign Affairs (DFA) na umaabot lamang sa 89,688 ang mga OFW na nagparehistro mula nang umpisahan ito noong Agosto 1- Setyembre 2.

Lumalabas na 5.28% lamang ito sa kabuuang 1.7 milyon na mga inaasahang botante sa darating na eleksiyon na nakabase sa iba’t ibang bansa sa buong mundo.

Inaasahan naman na hindi maaabot kahit man lamang sa 50% ang makakapagparehistro sa pagtatapos nito sa Setyembre 30.

Pangunahing sanhi ng kapalpakan ang paglalagay lamang ng Comelec sa mga registration booths sa mga gusali ng embahada sa mga pangunahing lungsod ng mga bansa kung saan nahihirapan ang mga OFW na nakabase sa malalayong probinsiya.

Hiniling naman ni Presidential Adviser on Overseas Filipino Communities Secretary Heherson Alvarez sa Comelec na palawigin pa ang registration period sa 200 bansa sa mundo para makamit ang target na bilang ng mga botante. Sinabi ni Alvarez na kulang ang 360 computerized biometrics-capturing machines na ginagamit sa abroad.

Ipinaliwanag ng Comelec na marami sa mga OFW ay hindi nagagawang maka-absent dahil sa load ng trabaho, ang iba naman ay hindi pinapayagan ng kanilang mga employer, habang may ibang bansa na hindi demokratiko kaya bawal ang eleksiyon.

Umaabot sa may 7.53M Pilipino ngayon ang nakakalat sa buong mundo, 3.15M ang mga OFW, 2.78 milyon ay mga permanent citizens at 1.6-M ang undocumented workers. (Ulat nina Danilo Garcia/Ellen Fernando)

ABSENTEE VOTING

COMELEC

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ELLEN FERNANDO

OVERSEAS ABSENTEE VOTING SECRETARIAT

OVERSEAS FILIPINO COMMUNITIES SECRETARY HEHERSON ALVAREZ

PRESIDENTIAL ADVISER

SETYEMBRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with