Sa lingguhang forum sa Ciudad Fernandina sa Greenhills, San Juan, sinabi uli ni PCSO Chairman Honey Girl Singson na pawang kasinungalingan lamang ang sinabi ni Lacson na nagpalabas sila ng P1.3 milyon para kay Pidal.
Sa certification na ibinigay ng Budget and Accounting Department at Treasury Department ng PCSO, sinabi nila na wala silang records ng naturang LBP check no. 051283 na ipinalabas noong Peb. 28, 2003.
Isang LBP check na may kaparehong numero subalit ipinalabas noong Peb. 26, 2001 ay ibinayad umano ng PCSO kay Fortunato Tiratira subalit nagkakahalaga lamang ito ng P23,000.
Ang naturang pera ay ang napanalunan umano ni Tiratira ng makuha niya ang lima sa anim na numero ng 6/45 mega lotto.
Isa pang tseke na may kaparehong number subalit ipinalabas noong Nob. 8, 2002 ay ibinigay naman kay Leonora Vidanes para sa financial/medical assistance na nagkakahalaga ng P40,000.
"This will show that whatever check Senator Lacson is referring to is perhaps fake," pahayag pa ni Singson. (Ulat ni Edwin Balasa)