No evidence vs FG - Joker
September 4, 2003 | 12:00am
Iginiit kahapon ni Senator Joker Arroyo na dapat maglabas si Sen. Panfilo Lacson ng orihinal na mga dokumento para masuportahan ang kanyang mga alegasyon na magpapatunay na si Jose Pidal ay si First Gentleman Mike Arroyo.
Sinabi ni Sen. Arroyo, chairman ng senate blue ribbon committee, hanggang ngayon ay wala pang inilalabas na matibay na ebidensiya si Sen. Lacson upang patotohanan ang kanyang akusasyon na si FG Arroyo ay si Jose Pidal na nagmamay-ari ng milyong accounts sa ibat ibang bangko.
Wika ni Sen. Arroyo, dapat ilabas ni Lacson ang "missing link" sa susunod na pagdinig ng komite sa Lunes.
Ayon pa sa blue ribbon, ito na ang pagkakataon ni Ignacio Arroyo upang patotohanan niyang siya si Jose Pidal na nagmamay-ari ng milyong accounts sa BPI Family bank, Union bank at International Exchange bank.
Sinabi pa ni Sen. Arroyo na kabilang din sa inaasahang dadalo sa susunod na hearing sina Victoria Toh, Thomas Toh Jr. at Kelvin Tan.
Ayon kay Sen. Arroyo, ang itinuturong naging middleman ni Eugenio Mahusay Jr. para makapunta kina Sen. Aquilino Pimentel Jr. at Sen. Lacson na si Alex Carlos ay ipapatawag na rin ng komite.
Posible ring hindi na padaluhin pa sa Lunes si FG Arroyo dahil isinalang na ito sa naunang senate inquiry, pero muli namang haharap sa susunod na hearing si Mahusay upang magharap sila ng sinasabi niyang naging tulay nito para kina Pimentel at Lacson na si Mr. Carlos.
Inaasahang kukuwestiyunin muli ng mga senador mula sa oposisyon ang ginawang pagbaligtad ni Mahusay sa kanyang unang sworn statement.
Sinabi ni Mahusay na napilitan lamang siyang siraan sina FG Arroyo at Vicky Toh dahil na rin sa sama ng loob niya dito ng akusahan na nagnakaw siya ng cellfone at pera sa LTA realty.
Subalit kahit bumaligtad, sinabi ni Lacson na saludo pa rin siya kay Mahusay dahil kung hindi sa kanya ay hindi nalaman ng bayan ang umanoy katiwalian sa gobyerno. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
15 hours ago
Recommended