Gloria umaaray na sa picture ni Vicky Toh
September 4, 2003 | 12:00am
Inamin ni First Gentleman Mike Arroyo na matapos sumabog ang kontrobersiya sa Jose Pidal at ang umanoy extra-marital affair niya sa kanyang sekretaryang si Victoria Toh ay naiimbiyerna si Pangulong Arroyo sa tuwing nakikita ang larawan nito sa mga pahayagan.
Ito ang sinabi ni FG Arroyo ng maging panauhin sa Pipol talk show ng ABS-CBN kamakalawa ng gabi kaugnay sa nagiging reaksiyon ni Pangulong Arroyo sa akusasyon ni Sen. Panfilo Lacson.
"Every time she sees the picture of Vicky Toh in the newspaper, of course I know she (PGMA) feels bad but my wife knows the truth but like any woman she gets affected," wika ng Unang Ginoo.
Mariing itinanggi ni Mr. Arroyo ang naging akusasyon ni Sen. Lacson na mayroon silang relasyon ni Ms. Toh lalo na ang pagkakaroon daw niya ng dalawang anak dito.
"Kawawa naman si Vicky, she is single and kawawa din si Gloria sa mga ginawang akusasyon ni Sen. Lacson na wala namang katotohanan," dagdag ni FG Arroyo.
Itinanggi din ni Ms. Toh ang paratang ni Lacson na mayroon itong relasyon sa Unang Ginoo at pinabulaanan din nito na nagpadala siya ng mga love letters kay FG Arroyo gaya ng pinalitaw ng senador sa chapter 2 ng kanyang privilege speech kaugnay sa Jose Pidal controversy.
Pinabulaanan din ni Ms. Toh na mayroon itong joint account kay Jose Pidal na nagkakahalaga ng P49 milyon sa ibat ibang bangko.
"If there is anyone who is at fault, its me. Wala namang kasalanan dito ang pamilya ko, walang kasalanan dito si Gloria, walang kasalanan ang mga anak ko lalo na ang babae kong anak. Pero lahat sila ay naapektuhan," wika pa ni FG Arroyo.
Aniya, ang lalong apektado sa mga ginawang akusasyon ni Lacson sa kanyang pagkatao ay ang kanyang nag-iisang anak na babae na si Luli dahil sobrang close ito sa kanya.
"Luli is very, very close to me but when we talk, I can see pain in her eyes. I feel like crying but I just hug her," dagdag pa ng Unang Ginoo.
Itinanggi din ni Mr. Arroyo na siya ang "weakest link" sa Arroyo government pero kung ito ang paningin ng ilan ay wala siyang magagawa. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Gemma Garcia | 3 hours ago
By Doris Franche-Borja | 3 hours ago
By Ludy Bermudo | 3 hours ago
Recommended