^

Bansa

Paggamit ni Vicky ng Presidential Yacht sisilipin ng Palasyo

-
Ipasisiyasat ng Malacañang kung may nalabag sa patakaran ang paggamit ni Vicky Toh at mga tauhan ni First Gentleman Mike Arroyo sa kontrobersyal na Presidential Yacht o ang BRP Ang Pangulo.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesman Ricardo Saludo, naunang naglabas ng patakaran si Pangulong Arroyo na buksan sa publiko ang BRP Ang Pangulo dahil sa ito ay ipinagbibili ng gobyerno.

Bukod dito ay ipinagamit din sa Department of Tourism ang Barko ng Pangulo upang makahikayat ng mga turista sa bansa.

Ang pahayag ng Palasyo ay matapos na lumitaw sa imbestigasyon ng Senado sa Jose Pidal account na kinumpirma ni star witness Eugenio Mahusay na sakay siya kasama si Vicky sa ang BRP Ang Pangulo ng magsagawa ng medical mission ang First Gentleman sa lalawigan ng Bataan.

Ipinakita sa Senado ang litrato nina Mahusay, Vicky at iba pang tauhan ng Unang Ginoo na sakay ng naturang barko na kinukuwestiyon ni Senador Tessie Aquino-Oreta na bawal gamitin kung wala ang Pangulo ng Republika. (Ulat ni Ely Saludar)

ANG PANGULO

DEPARTMENT OF TOURISM

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESMAN RICARDO SALUDO

ELY SALUDAR

EUGENIO MAHUSAY

FIRST GENTLEMAN

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

JOSE PIDAL

PANGULO

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with