Chapter 2 ng 'bomba' ni Ping pinasabog
September 2, 2003 | 12:00am
Panibagong mga bank accounts nina Jose Pidal at Ms. Victoria Toh na nagkakahalaga ng milyun-milyon ang ibinunyag kahapon ni Senator Panfilo Lacson sa chapter 2 ng kanyang expose laban sa umanoy money laundering activities ni First Gentleman Mike Arroyo.
Aabot sa mahigit na P260 milyon ang panibagong mga bank accounts na nadiskubreng nakapangalan kay Jose Pidal at Victoria Toh ang nilalaman ng round 2 ng expose ni Sen. Lacson.
Bukod sa naunang P270 milyong mga bank accounts na nakapangalan sa ilalim ni Pidal, Vicky Toh, Thomas Toh Jr., Kelvin Tan, Lualhati Foundation at Kaibigan ni GMA Foundation ay 12 local bank accounts ang nadiskubre bukod pa dito ang pitong new bank transactions mula sa Hong Kong.
Ibinunyag pa ni Lacson sa kanyang privilege speech na talagang masuwerte si Pidal dahil hindi na nito kailangang tumaya sa lotto upang tumama ng pera mula sa PCSO dahil napagkalooban si Pidal ng P1.350-M noong Pebrero 28, 2003.
Hinamon din ni Lacson ang umaakong si Jose Pidal na si Ignacio Arroyo na magpalabas ito ng special power of attorney upang bigyan siya ng karapatan na i-withdraw ang lahat ng perang nakapangalan sa ilalim ng Jose Pidal mula July 2001 hanggang ngayon.
Napag-alaman pa ni Lacson na nagmamay-ari sina Mr. and Mrs. Jose Miguel Arroyo ng 60,758 square meters ng prime property sa Quezon City at hindi ito nakadeklara sa statement of assets and liabilities ni FG Arroyo kaya maliwanag anya na "hidden wealth" ito.
Hindi pa umano dito nagtatapos ang mga pagbubunyag niyang gagawin bilang paglaban sa corruption sa pamahalaan dahil pasasabugin niya ang chapter 3 ng kanyang expose na pinamagatan niyang "the moment of truth." (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Gemma Garcia | 13 hours ago
By Doris Franche-Borja | 13 hours ago
By Ludy Bermudo | 13 hours ago
Recommended