^

Bansa

Hirit sa taas-pasahe ibinasura ulit

-
Muling ibinasura ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang petisyon ng iba’t ibang transport group na taasan ng P1.50 ang singil sa pasahe sa mga pampublikong sasakyan.

Ayon kay Dante Lantin, chairman ng LTFRB, susundin nila ang rekomendasyon ng Office of the Solicitor General na panatilihin ang halaga ng pasahe at ibasura ang motions for reconsideration na isinampa ng mga transport group noong Hulyo 15.

Agad na umapela ang apat na malalaking transport group nang ibasura ng LTFRB ang kanilang petisyon subalit hindi pa rin sila napagbigyan kahit na muling tumaas ang produkto ng petrolyo.

Hindi binigyan ng OSG ng merito ang mga argumento ng Philippine Confederation of Drivers Organization-Alliance of Concerned Transportation Operators (PCDO-ACTO), Federation of Rizal-Cubao Operators and Drivers Alliance (FERCODA), Federation of Drivers and Jeepney Operators of the Philippines (FEJODAP), at Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) ang hiling nito na baligtarin ang nauna nang pagbasura ng LTFRB.

Kinukuwestiyon ng transport groups ng pinagbasehan ng LTFRB sa pag-compute nito ng gastusin ng mga driver. Sinabi rin nila na hindi naman natupad ng pamahalaan ang ipinangako nitong tulong gaya ng pagbebenta ng mas mababang halaga ng bigas at krudo.

Ayon pa kay Lantin, magkakaroon ng malaking epekto sa publiko kung ngayon itataas ang halaga ng pasahe dahil dagdag pa sa nagaganap na kaguluhan sa bansa at ang pagbulusok ng halaga ng dolyar kontra piso. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

AYON

DANTE LANTIN

DRIVERS ALLIANCE

DRIVERS AND JEEPNEY OPERATORS OF THE PHILIPPINES

DRIVERS ORGANIZATION-ALLIANCE OF CONCERNED TRANSPORTATION OPERATORS

EDWIN BALASA

HULYO

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

OFFICE OF THE SOLICITOR GENERAL

OPERATOR NATIONWIDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with