^

Bansa

Philpost stamp design contest kontra droga inilunsad

-
Bilang suporta sa kampanya ng gobyerno kontra droga, inilunsad ng Philippine Postal Corporation ang "national Postage Stamp Design Contest" na may temang "Ang Batang pinoy Laban sa Droga" upang maikintal sa kamalayan ng mga kabataan ang panganib ng ilegal na droga.

Inihayag ni Postmaster General Diomedio P. Villanueva na bukas ang timpalak na ito para sa elementary at high school students mula sa pribado at pampublikong paaralan sa buong bansa. ang mga lahok ay dapat na nakalagay sa white illustration board na may sukat na 8 3/4 inches x 11 1/2 inches. Kalakip ng artwork ang isang artikulo o interpretasyon na naglalaman ng tema ng disenyo. Ito’y dapat makinilyado sa isang A-4 size bond paper at may 100 salita o higit pa.

Ang mga artworks ay maaaring likha sa crayola, pastel o water color. Malayang makagagamit ang kalahok ng anumang kulay ngunit mahigpit na ipinagbabawal ang anumang computer-generated artworks. Kailangang ilagay ang pangalan at tirahan ng may likha, kasama ang pangalan ng paaralan sa likod ng illustration board. Hindi kailangang isama sa disenyo ang postage stamp theme at ang bilang ng taon ng ito ay ginawa. Ilagay ang entries sa isang brown envelope at ipadala sa pamamamgitan ng Registered o Domestic Express Mail sa: National Postage Stamp Design Constest Committee, Marketing and Business Development, Philippine Postal Corporation, 1000 Liwasang Bonifacio, Manila.

Tanging mga lahok na isinumete sa pamamagitan ng Registered o Domestic express Mail ang tatatanggapin. Mag-uumpisa ang kontes sa Setyembre 1-30. Kailangang makarating ang lahat ng mga entries sa National Postage Stamp design Contest Committee nang di lalampas sa Sept. 30. Ilalathala ang mga winning entries sa commerative covers na ilulunsad naman sa 105th Philpost Anniversary Celebration sa Nob.4-10. Ang mga nagwagi sa patimpalak na ito ay magkakamit ng mga sumusunod: Elementary divison- First prize, P15,000 at Commemorative Frame na nagkakahalaga ng P3,000; Second prize, P10,000 at Third prize, P5,000. Para sa High School Division- First prize, P20,000 at Commemorative Frame; Second prize, P15,000 at Third prize, P10,000. (Ulat ni Ellen Fernando)

ANG BATANG

COMMEMORATIVE FRAME

CONTEST COMMITTEE

DOMESTIC EXPRESS MAIL

ELLEN FERNANDO

HIGH SCHOOL DIVISION

KAILANGANG

LIWASANG BONIFACIO

PHILIPPINE POSTAL CORPORATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with