Comelec pinagpapaliwanag
September 1, 2003 | 12:00am
Kinuwestyon ng ilang mambabatas ang Commission on Elections (Comelec) dahil sa diumanoy pagbabawal sa mga squatters na makapagrehitro bilang paghahanda sa darating na eleksyon sa 2004.
Pinagpapaliwanag nina Reps. Mario Aguja (Akbayan), Renato Magtubo (Partido ng Manggagawa) at JV Bautista (Sanlakas) ang Comelec matapos na makatanggap sila ng reklamo mula sa grupong Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod at Koalisyon Kontra Demolisyon na pinagbawalang makapagparehistro sa mga taga-squatters.
Sa naturang reklamo, ipinagbawal umano ng Comelec na nakapagparehistro ang mga squatters dahil magreresulta umano ito sa legitimazation ng kanilang legal na pag-okupa sa mga pribado at pampublikong lupain.
Papayagan lamang umano ng Comelec batay sa bagong ruling nito na makapagparehistro ang mga squatters kung mayroong pagkunsinti ang mga may-ari ng lupang kanilang tinitirikan ng bahay.
Iginiit ni Bautista na labag sa constitutional rights ng mga maralita ang anti-poor registration policy na ipinatutupad ng Comelec.
Niliwanag pa na sa ilalim ng Absentee Voting law, binibigyan ng karapatang makapagparehistro at bumoto ang mga Pilipinong nagtatrabaho at naninirahan sa ibang bansa kaya hindi ito dapat ipagkait sa mga mahihirap na mismong naninirahan sa ating bansa.
Sinabi naman ng Malacañang na kailangang magpalabas ng malinaw na panuntunan ang Comelec kung hindi nga ba pahihintulutang makaboto ang mga squatter sa darating na eleksyon.
Ayon kay Presidential Spokesman Ignacio Bunye, sa panuntunang ipalalabas ng Comelec, kailangang magbigay ng maliwanag na dahilan kung bakit hindi makakasali sa halalan ang mga squatter gayong dati naman ay puwede silang makaboto sa barangay na kanilang kinabibilangan. (Ulat nina Malou Rongalerios/Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended