^

Bansa

RPN-9 pasasabugin ng galamay ni Lacson

-
May balak umano ang mga galamay ni Sen. Panfilo Lacson na pasabugin ang transmission tower ng RPN-9, ito’y makaraang hindi umano pagbigyan ng pamunuan ng naturang himpilan ang request ng senador na ipatigil ang pagpapalabas sa "Kit Mateo Story" kung saan inamin ng yumaong Kit Mateo ang mga umano’y krimen ng senador noong hepe pa ito ng PNP.

Sa isang press statement na ipinadala sa PNP, kinondena ni Ramon "Mon" Tulfo ang umano’y pananakot na ginagawa ng kampo ni Lacson sa kanya at sa iba pang tao upang mapatigil lamang ang kanyang programang pinamagatang "Sumbong ni Mon Tulfo sa taumbayan ukol kay Ping Lacson."

Sa naturang programang ipinalabas sa RPN 9, isinadula ang umano’y utos ni Lacson kay Sgt. Jose Viernes na itulak sa helicopter ang dalawang katao kabilang na ang 8-anyos na bata, habang ito ay nasa himpapawid.

Ang mga biktima sa nasabing pagsasadula ay mga kapatid at pamangkin ng pinaslang na si Joey de Leon, lider ng kilabot na Red Scorpion Group.

"Kasuhan mo na lang ako sa korte, hindi ako susuko sa isyu at lalong hindi ako nagpapabayad," pahayag pa ng host ng programang "Isumbong Mo Kay Tulfo" sa RPN 9 kaugnay ng umano’y pakana ni Lacson na ipatigil ang pagpapalabas sa kanyang programa.

Tahasang inakusahan ni Tulfo ang kampo ni Lacson na ginawa umano ang lahat ng paraan, legal at illegal upang hindi matuloy ang pagsasahimpapawid ng kanyang programa sa Channel 9, bagaman nabigo ang mga ito.

Kabilang umano sa mga hakbang na ginawa ng kampo ni Lacson ay ang pagliham kay RPN 9 Chairman at Chief Executive Officer Serge Remonde upang hilingin sa huli na huwag ituloy ang pagpapalabas sa kanyang programa.

"Saludo ako kay Chairman Remonde, hindi siya bumigay sa anumang pagtatangka ni Lacson na patayin ang istorya," paghanga pa ni Tulfo sa big boss ng RPN 9.

Kaugnay nito, hiniling ng RPN 9 sa PNP na maglagay ng mga tauhan sa kanilang tore upang bantayan ang anumang pagtatangkang pagpapasabog. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

CHAIRMAN REMONDE

ISUMBONG MO KAY TULFO

JOSE VIERNES

JOY CANTOS

KIT MATEO

LACSON

TULFO

UMANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with