Sen. Loi, 2 anak tinuluyan sa rebelyon
August 29, 2003 | 12:00am
Hindi pinaligtas ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) si Senadora Luisa "Loi" Ejercito matapos na tuluyan na itong sampahan din ng kasong rebelyon kasama ang dalawa pa nitong anak na sina Jude at Jackie Ejercito, at apat katao pa sa Department of Justice (DOJ).
Ang nasabing kaso ay inihain ng CIDG, Napolcom at PNP noon pang Agosto laban sa mag-iinang Estrada bunsod na rin sa umanoy mga sasakyang ipinagamit ng mga ito sa mga nag-aklas na sundalo noong July 27 sa Oakwood hotel, Makati tulad ng blue Mazda, gray Mitsubishi L-300 van at puting Besta van.
Nakasaad sa complaint na mayroong matitibay na ebidensiya na magpapatunay na sangkot din ang mag-iinang Estrada sa tangkang pagpapabagsak sa Arroyo government.
Kasama rin sa sinampahan ng kaso sina Presentacion Ejercito, Genoveva dela Fuente, Ceferino Pelayo at Philipp Hao.
Kasalukuyan pang isinasailalim sa evaluation ang nasabing kaso para sa pagpapalabas ng rekomendasyon. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest